
Unti-unting tumatanggap na ng mga proyekto ang Kapuso star na si Tom Rodriguez matapos ang kaniyang mahigit dalawang taong pamamahinga sa showbiz.
Sa isang panayam ni Nelson Canlas, ikinuwento ni Tom ang kaniyang simpleng buhay sa America na nagsilbing daan sa kaniyang emotional healing pagkatapos ang hiwalayan nila ng dating asawang si Carla Abellana.
"I really had to take time to really recover and now I do feel na buo na ako ulit. Nawilli rin ako na when I start taking on responsibilities for myself. Maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, 'yung washing machine at saka 'yung dryer doon, 'yung grocery, couponing, all that stuff na-enjoy ko," sabi ng aktor.
Related Gallery: Tom Rodriguez is a certified fitness buff
Ngayon naghahanda na si Tom sa kaniyang pagbabalik sa teatro bilang bida sa Ibarra: The Musical.
Labis ang tuwa ng aktor sa kaniyang pagbabalik. Kuwento niya, "I'm glad na they offered me this role. I've really been yearning to go back into theater and napagbigyan ulit."
Pinili si Tom ng direktor na si Frannie Zamora dahil sa husay niya sa pag-arte at karanasan niya sa teatro. Nakatakdang ipalabas ang Ibarra: The Musical sa second quarter ng taon.
Maliban dito, bumabalik na rin sa social media ang Kapuso actor, gamit ang kaniyang bagong temporary account sa Instagram. Sinusubukan din ni Tom makisabay sa TikTok, kung saan ipinapakita niya ang kaniyang skills at talento sa musika.
"I'm on Tiktok din. I'm starting to push myself to go out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala 'yung wala. It's nice to reconnect with the people, kaya I'm trying to push myself to go out of my ermitanyo mode," sabi ni Tom.
Bumista din sa All-Out Sundays si Tom noong February 11 at nakisaya sa mga laro ng TiktoClock nang nag-guest siya noong February 13.