
Bagong adisyon si Kapuso actor Tom Rodriguez sa hit primetime telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Gaganap dito si Tom bilang Gargan, bathala ng kadiliman, kaguluhan, at pagkawasak.
Tila si Gargan ang nabanggit ni Hagorn (John Arcilla) na makapangyarihang bathalang parating at magliligtas sa kanya at sa hukbo niya sa Balaak.
Taglay din niya ang isang sandatang magdadala ng bagong panganib.
"Ngayon, mararamdaman nila ang sumpa ng itim na brilyante sa buong Encantadia," maririnig na sambit ni Gargan.
Samantala, nalalapit na rin ang huling sagupaan ng mga Sang'gre laban kay Mitena (Rhian Ramos).
Abangan si Tom Rodriguez bilang Gargan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.