
Patuloy na sinusubaybayan ng Encantadiks ang bagong yugto ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa paglaya ng Bathala ng Kadiliman na si Gargan, mas tumitindi ang aksyon at mas nagiging kapanapanabik ang istorya gabi-gabi sa GMA Prime series.
Marami rin ang humanga at naaliw sa pagganap ni Tom Rodriguez bilang isang nakakapangilabot na kalaban sa mundo ng mga tao at diwata.
Sa isang report sa 24 Oras, ikinuwento ng Kapuso actor ang kanyang karanasan sa set ng Sang'gre.
"Happy ako kaya I'm enjoying my villain era. Gargan, he's cool," aniya.
"Our work is collaborative, yun 'yung ang saya 'tsaka nakaka-miss talaga. Na 'pag punta mo sa set parang kinukumpol n'yo 'yung laruan 'nyo lahat and you guys play. Everything forms my character, kasi you don't know where it goes ultimately."
Bukod sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, may espesyal na dahilan si Tom kung bakit mahalaga sa kanya ang pagsali sa mundo ng Encantadia.
"To be part of Sang'gre, especially since it's very close to my dad 'yung 2016 version. Noong nasa states ako with him while he was in his final chapters, in bed lagi 'pag 7 p.m. na I show my show. So we would put it on, pati ako napapanood din ng konti. So in a way parang it's nice na now I'm part of that," pahayag niya.
Kagabi, sumalakay na si Gargan at iba pang mga kalaban sa bahay ni Paopao para harapin ang mga bagong Sang'gre.
Samantala, papalapit na rin ang kinatatakutang kadiliman na babalot sa buong mundo ng Encantadia.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Iboto rin ang superserye sa GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.
Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.
Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.