GMA Logo Tom Rodriguez Showbiz comeback
What's Hot

Tom Rodriguez, masaya sa kanyang showbiz comeback

By Dianne Mariano
Published October 4, 2024 9:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EJ Obiena rules ISTAF Indoor with season-best clearance
For Bea Alonzo, jewelry makes the outfit
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez Showbiz comeback


Mapapanood ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez bilang Atty. Renan Alon sa GMA Afternoon Prime series na 'Lilet Matias, Attorney-At-Law.'

Nakisaya ang Kapuso stars na sina Jo Berry at Tom Rodriguez sa It's Showtime ngayong Biyernes (October 4).

RELATED GALLERY: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'

Isang heartwarming performance ang hatid ng guest celebrities nang kantahan ni Tom ang Lilet Matias, Attorney-At-Law star ng “Until I Found You” sa stage. Matapos ito ay masayang binati nina Tom at Jo ang mga manonood ng “What's Up, Madlang People?”

Nagpasalamat si Jo sa It's Showtime family dahil sa kanilang mainit na pagtanggap.

“Overwhelming po. Maraming salamat po sa inyong pag-welcome and thank you for having us,” aniya.

Kinumusta naman ni Vhong Navarro si Tom at sinabi ng huli na masaya siya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

“Ang sarap makabalik at saka unang salang ko uli after two years, sila 'yung kasama ko. Napakasarap na grupo. And happy to see a lot of familiar faces dito sa [It's] Showtime,” pagbabahagi niya.

Bukod dito, labis ang pasasalamat ni Jo sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanyang serye.

“Sobra talagang nagpapa-thank you ako kasi ito po 'yung role ko na pinakamahirap so far and nagpapasalamat po ako na maraming sumusuporta kaya umabot po kami ng season two,” anang ng Kapuso actress.

Ayon pa kay Jo, marami pang dapat abangan na mga tagpo sa Lilet Matias, Attorney-At-Law gaya ng pagpasok ng karakter ni Tom na si Atty. Renan Alon.

“Si Atty. Renan Alon dapat nilang abangan kasi hindi natin alam kung magiging kakampi ba ako o kalaban ni Lilet. Dito kanina, sweet kami kanina pero si Atty. Renan medyo mabangis,” kuwento ni Tom.


Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.