What's Hot

Tom Rodriguez, may isinusulat na children's book para sa anak

By Kristine Kang
Published March 16, 2026 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars 2026: All the memorable moments
50 brgys in 10 LGUs affected by ash fall from Kanlaon Volcano

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez


Bumisita rin si Tom Rodriguez sa Philippine Book Festival 2026!

Pahinga muna sa pagiging Bathalang Gargan si Tom Rodriguez dahil may ibang misyon muna ito sa mundo ng mga tao.

Kamakailan, dumalo ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star sa ginanap na Philippine Book Festival sa Mandaluyong City, hindi para maghasik ng kadiliman, kundi ibahagi ang kuwento ng children's book na "Si Jose at ang Mahiwagang Taguri." Ito'y isinulat ng Kapuso journalist na si Nelson Canlas at Yasmien Kurdi.

"Ang ganda ng lesson niya about overcoming bullying. Kasi, we all experience bullying at one point in our life, whether as children or adults. When you go into that dark night of your soul, your lowest point in life, you don't really have to meet it with bitterness, with anger. You can go through it with grace [and] compassion," aniya sa isang panayam sa Unang Balita.

Kuwento rin ng Kapuso actor na may isinusulat na rin siyang sariling children's book na inspirasyon sa kanyang anak na si Baby Korben.

"I'm so critical since I'm writing it for him. Like what I want to say to him, the lessons that I want him to learn, and these lessons have to be something I also go through," pahayag niya.

Kaya naman hands-on ngayon si Tom sa pagbuo ng kanyang libro. Kuwento nga niya, "locked-in" na ang final draft ng kanyang istorya. Ngayon naman ay tutok ang aktor sa magiging art style ng libro na siya mismo ang magiging illustrator nito.

Samantala, tampok din sa Philippine Book Festival 2026 ang New-Gen Sang'gres na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali para sa unang collectible books ng Sang'gre.

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Silipin ang ilan sa celebrities na author rin ng libro, dito: