
Naging espesyal ang production number na handog ng All-Out Sundays nitong Linggon nang mag-guest ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos ang dalawang taon niyang pamamahinga sa Amerika.
Tampok sa nakaraang February 11 episode ng All-Out Sundays ang ballad performance ng OG Cuties na sina Rayver Cruz, Yasser Marta, Ken Chan, at ang nagbabalik na si Tom Rodriguez.
Kasunod nito ang isang kilig game kasama ang OG Cuties at ang kanilang lucky female audience partners sa "I Date you."
Ibinahagi ni Tom kung gaano niya na-miss ang kanyang All-Out Sundays barkada matapos manirahan sa Amerika simula 2022.
"Na-miss ka namin, Tom," saad ng host na si Boobay.
"Na-miss ko rin kayo, na-miss ko ito," sagot naman ni Tom.
Nitong nakaraang Enero, ibinahagi ng manager ni Tom na si Popoy Caritativo ang pagbabalik ni Tom sa Pilipinas, na posibleng pagbabalik niya rin sa showbiz.
Panoorin ang comeback performance ni Tom: