GMA Logo Tom Rodriguez
Photo by: Screenshot from 24 Oras
What's on TV

Tom Rodriguez, nagbigay ng spoiler kay Gargan sa 'Sang'gre': 'Susugod na kami sa Encantadia'

By Aimee Anoc
Published January 30, 2026 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez


Sa interview ni Tom Rodriguez sa 24 Oras, nagbigay ang aktor ng mga dapat pang abangan sa 'Sang'gre.'

Enjoy at feel na feel ni Tom Rodriguez ang pagganap bilang ang Bathala ng Kadiliman na si Gargan sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Ayon kay Tom, "kinikilig at blessed" siya sa pagkakataon na napasama sa mundo ng Encantadia dahil pinanood din niya noon ang Encantadia 2016.

"Laging may kilig factor, whether 'yung mga Kambal-Diwa, 'yung new gen Sang'gres, OG Sang'gres, everytime I get to have scenes with them, laging may kilig factor," sabi niya sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras.

"Kasi before, viewer ako ng 2016. Ngayon, I get to be part of the lore somewhat. I feel blessed. Kahit sa costume ni Gargan may kilig factor na 'Wow! Trabaho 'to...' That's a blessing."

Nagbigay rin si Tom ng spoiler sa susunod na mangyayari sa Sang'gre, lalo na ngayong nagkaroon na ng pangitain si Nunong Imaw sa pagkawasak ng buong Encantadia at pagkuha ni Gargan sa mga Brilyante.

"Nandito po kami sa mundo ng mga tao, pero susugod na kami sa Encantadia, sa aking pinakamumuhiang lupain," pagbabahagi ni Tom.

Ikinuwento rin ni Tom na malapit sa kanyang puso ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, dahil dito napapanood siya sa telebisyon ng kanyang anak na si Korben. Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktor na isama sa set ang kanyang anak.

"May isa kaming taping na fight scene namin ni Bianca, so I asked if my family can see it para they get a glimpse of what I do. Nakita niya ako for the first time, in person, and hindi siya takot at all. It was a cool experience."

Abangan si Tom Rodriguez bilang Gargan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Related: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' cast's behind-the-scenes photos