Celebrity Life

Tom Rodriguez, nagpasexy sa isang pictorial

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 7:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Ibang level na talaga ang hotness ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez. Muling ipinakita ng mestizo hunk ang kanyang toned physique para sa kanyang bagong underwear pictorial.

Ibang level na talaga ang hotness ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez. Muling ipinakita ng mestizo hunk ang kanyang toned physique para sa kanyang bagong underwear pictorial.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, mukhang Greek God ang Kapuso leading man sa picture, suot ang kanyang black and gold underwear. Naging maganda ang feedback ng mga netizens kay Tom at maraming nagcomment na hot daw ang aktor, kaya naman sobrang thankful si Tom sa outcome ng kanyang endorsement shoot.

Nasa New York ngayon si Tom kasama ang Kapuso leading lady na si Heart Evangelista. Magkakaroon sila ng event para sa Philippine Independence Day celebration doon.

Kahit nasa America, damang-dama nina Tom at Heart ang hospitality ng mga Pinoy Kapuso doon, in fact, pinagkaguluhan ang dalawa sa Madison Avenue.

Balak daw ni Tom na manood ng Broadway shows sa New York kapag nagkaroon siya ng libreng oras.

Para makatanggap ng updates tungkol kay Tom Rodriguez at sa paborito ninyong Kapuso stars and shows, patuloy na mag log-on sa www.GMANetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com