
Nag-enjoy si Tom Rodriguez sa kaniyang pagbisita sa TiktoClock.
Isa ang TiktoClock sa mga binisita ni Tom na Kapuso shows sa kaniyang pagbabalik telebisyon.
Noong January 27 ay ibinahagi ng kaniyang manager na si Popoy Caritativo ang pagbabalik ni Tom sa bansa.
Sa TiktoClock ay sumabak si Tom sa masayang 'Sang Tanong, 'Sang Sabog.
Dahil sa mali ang sagot ni Tom ay nasabugan siya sa Bwi-Seat Blaster. Biro pa ni Tom sa TiktoClock, "Sa tagal ko sa Amerika hindi ako pumuti, ngayon lang. Sa Pilipinas pa pala ako puputi."
Nakisaya rin siya sa masayang games ng Hale-Hale Hoy.
Bukod sa TiktoClock ay bumisita rin si Tom sa All-Out Sundays noong February 11.