What's Hot

Tom Rodriguez, namangha sa sampalan scene ni Lovi Poe

By Bianca Geli
Published March 6, 2018 2:32 PM PHT
Updated March 6, 2018 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin kung paano inexplain ni Tom ang "kinetic linking" sa pagsampal ni Lovi kay Erich Gonzales sa pelikulang 'The Significant Other.'
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

 

Hindi maiwasang mabilib ng The Cure star na si Tom Rodriguez sa sampalan scene ni Lovi Poe mula sa movie nilang 'The Significant Other.' Sa isang eksena, naging intense ang sagutan at sampalan ni Lovi at Erich Gonzales. Nag-guest sina Tom at Lovi sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) at ikinuwento ang naging mainit na eksena nila kasama si Erich.

Ipinakita ang clip ng eksena at ipinaliwanag ni Tom kung paano naging intense ang pagsugod at pagsampal ni Lovi kay Erich. “Ang tawag dito, kinetic linking. So you see, from the ground, tina-transfer niya ‘yung energy. ‘Yung kinetic linking na galing sa paa.”

Kuwento naman ni Lovi, ipinaalam niya muna kay Erich na magiging intense ang sampal niya pero wala namang galit na namamagitan sa dalawa. “Hindi po natural ‘yung galit, pero natural po ‘yung mga eksena.”

Dagdag pa ni Tom, “Nanonood lang ako sa kanila, kinakausap sila ni Direk [Joel Lamangan] kung anong klase [ng sampal] kaya lahat talaga ‘yun, kinailangan.”

Pabiro namang tinanong ng host na si Arnold Clavio kung anong feeling na pinagaagawan ka ng dalawang babae?

‘Yung buhok ko, kailangan nila i-re-attach lagi, kasi natatanggal. ‘Yung mga tao kasi hindi considerate ‘eh. ‘Di nila nakikita na ang haba haba ng buhok ko at pinagaagawan ng dalawang babae.

Panoorin ang interview ni Tom at Lovi sa TWAC: