What's Hot

Tom Rodriguez, sinuwerte kina Carla at Dennis

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 2:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"Tutor" daw ni Kapuso hunk Tom Rodriguez sina Carla Abellana at Dennis Trillo pagdating sa acting. 
By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Kumpara kina Carla Abellana at Dennis Trillo, baguhan pa lamang sa showbiz si Tom Rodriguez.
 
Lumaki si Carla sa showbiz dahil parehong artista ang kanyang mga magulang, habang mahigit isang dekada nang umaarte si Dennis.
 
Noong nakaraang taon, pinag-usapan ng lahat ang My Husband’s Lover, ang kontrobersyal at award-winning na soap na pinagbidahan nilang tatlo.
 
Ngayong taon naman ay nagbalik-tambalan ang TomCar para sa My Destiny. Sa soap na ito nagka-developan ang dalawa at kung saan umamin sila na sila’y nag-de-date
 
Lubos na humahanga ang laking-America na si Tom sa kanyang co-star at kanyang liniligawan
 
“Maganda saka magaling. Saludo ako [at] ang dami kong natutunan [sa kanya]. Nang dahil sa kanila ni Dennis, naging madali work experience ko sa My Husband’s Lover, at mas pinapadali [ni Carla] ngayon sa My Destiny,” sabi niya.
 
Para kay Tom, napaka-suwerte niya at dalawang napakahusay na artista ang tumulong sa kanyang mas mapabuti ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
 
“Ang dami kong natutunan [at natututunan]. Award-winning actress [siya] at kasama si Dennis Trillo, [isang] award-winning actor. Ang swerte ko naman, sila 'yung tutor ko,” aniya.