
Sa pagbisita ni Tom Rodriguez sa Sarap, 'Di Ba? ay kanyang binalikan ang mga pinagdaanan nang umalis siya ng Pilipinas. Inilahad din niya ang kanyang mensahe at payo para sa sarili.
Matatandaang napabalitang umalis ng bansa si Tom taong 2022 sa gitna ng pagkalat ng balita ng paghihiwalay nila noon ni Carla Abellana. Nitong Enero, nagbalik si Tom sa Pilipinas.
Napuno man ng kaba ay naging diretso sa pagsagot si Tom sa kanyang mga naranasan nang mag-hiatus siya sa showbiz. Tanong ni Carmina Villarroel, "Kung may gusto kang sabihin sa umalis na Tom, ano 'yun?"
Diretsong sagot ni Tom ay papayuhan niya ang sarili na kumapit lang kahit gaano kabigat ang pinagdaraanan.
"Hang in there. There are very many times that I thought it would be the end of me, literally."
Ayon pa kay Tom, naging motivation niya sa pagkuha ng lakas ang mga pamangkin.
"You feel hopeless. The only thing that kept me going at times was I didn't want my nephews to see that o Tito Tom did this. If I had a hard time, I had a problem, I'll just do this, too."
Saad ni Tom, gusto niyang maging mabuting halimbawa sa mga pamangkin.
"I wanted to be an example for them but at that time I was just trying to walk the walk. I wasn't ready yet. But now, I can honestly say, kung ano man ang pinagdadaanan mo sa buhay, you can make it through."
Isa sa binigyang diin ni Tom sa Sarap, 'Di Ba? ay ang pagiging matatag at paghanap ng sariling kaligayahan.
Ani Tom, "At the end of the day, doon lahat tayo papunta e. Don't take the shortcut and just keep pushing through."
Dugtong pa niya, "You can find your own happiness, you can redefine it for yourself, you can't let other people define happiness and contentment for you. Kailangan hanapin mo muna sa sarili mo."