What's Hot

Tom Rodriguez, umaming nagkaroon ng alinlangan sa pagganap bilang Sergio

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 9:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Tom na nagkaroon siya ng bahagyang pag-aatubili bago niya tinanggap ang role na Sergio Santibañez sa 'Marimar.'
By MARAH RUIZ
 
Nang lumabas ang balitang si Kapuso hunk Tom Rodriguez ang gaganap bilang Sergio Santibañez sa 2015 remake ng worldwide hit Mexicanovela na Marimar, madalas daw siyang tinatanong tungkol sa mga hamon ng pagganap sa isang role na nagawa na ng iba pang sikat na mga artista.
 
"I think that's the most challenging part of it! All the expectations that come with it, feeling ko puwede siyang ma-perceive as a positive challenge to yourself," paliwanag ni Tom. 
 
Aminado si Tom na nagkaroon siya ng bahagyang pag-aatubili bago niya tanggapin ang role.
 
LOOK: Megan at Tom, ang bagong love team na magpapainit sa inyong mga gabi
 
"Ako mismo takot to take it on, like when I did My Husband's Lover. Dito din, I had the same hesitation, the same doubts sa sarili ko. Can I even do that na nagawa na dati?," ayon dito. 
 
Ngunit pinahalagahan ni Tom ang pagsubok sa mga bagay na nasa labas ng kanyang comfort zone para matuto.
 
"If I don't try, I won't learn. I'm very young in this industry. I have so far ahead to go. Ang dami ko pang kailangang kaining bigas, ika nga! Ang dami ko pang kailangang tahakin. I have so much growing and learning to do and I won't get to do any of that if I don't try," pagpapatuloy nito.
 
Ngayon siya na ang baong Sergio, ibinahagi din niya na updated na rin ang bersyong ito ng Marimar. Naroon pa rin ang kuwentong minsan nang kinahumalingan ng lahat, ngunit dinala lang nila ito sa mas modernong panahon.
 
"We all know the characters, we all know the material pero that was a '90s setting. Our sentiments, nag-iba na din ngayon na 2015 from 1994, to now, 2015. I think thats a huge gap," panimula ni Tom.
 
WATCH: Ang modern spin sa bagong 'Marimar' 
 
Ayon sa kanya, pareho man ang pinag-ugatan nito, may malaking pagkakaiba pa rin kapag inihambing ang dalawa. 
 
"Kasi iba na 'yung Pilipina ngayon kaya siguro that's how the material din is being updated. Mas relevant na siya, mas contemporary and I think that adds a different flavor to it," ani Tom.
 
Tunghayan ang pilot episode ng Marimar, ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras