GMA Logo
What's on TV

Tombi Romulo at Clark Serafin, nagpasalamat sa mataas na ratings ng 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published December 12, 2019 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Muling nanguna sa national urban ratings ang all-original Filipino singing competition na 'The Clash' nitong weekend.

Muling nanguna sa national urban ratings ang all-original Filipino singing competition na The Clash, ayon sa pinagkakatiwalaang AGB Nielsen.

Tombi Romulo at Clark Serafin
Tombi Romulo at Clark Serafin

Base sa NUTAM ng market research firm, nakakuha ng 8.6% rating ang Kapuso singing competition, samantalang 7.3% ang nakuha ng katapat na programa na Home Sweetie Home noong Sabado, December 7.

Sa kabilang dako, umani ng 10.3% rating ang The Clash, samantalang 8.7% naman sa katapat na programa na Your Moment noong Linggo, December 8.

Nitong weekend, marami ang sumubaybay sa The Clash dahil naging mainit ang labanan kung saan nagsagawa muli ng Clashback, ang wildcard round ng programa.

Nabigyan ng chance makabalik sa kompetisyon ang anim na Clashers na na-eliminate mula sa top 12 na sina Al Fritz, Antonette Tismo, Clark Serafin, Lorraine Galvez, Sassa Dagdag, at Tombi Romulo.

Sa huli, isa lamang ang pinili ng The Clash panel at 'yan ay si Antonette.

Bagamat hindi nagtagumpay sina Tombi at Clark, hindi nila naitago ang kanilang galak dahil sa suporta na kanilang nakukuha mula sa publiko.

Nagpasalamat si Tombi sa comments section ng ratings post ng The Clash sa Facebook dahil sa patuloy na pamamayagpag nito sa ratings. Ika niya, "Nakakataba ng puso. Salamat po sa suporta [n'yo] sa The Clash."

Samantala, ini-repost naman ni Clark ang ratings post at nilagyan ng caption na "Maraming salamat, mga Kapuso."

Ngayong darating na Linggo, December 15, malalaman na kung sino ang tatanghaling ikalawang The Clash Grand Champion kaya huwag 'yang palampasin sa GMA.