
Kahit matagal na ang relasyon ng TomCar, binigyan diin ng Kapuso primetime actress Carla Abellana na wala pa siyang plano na magka-baby.
Tom Rodriguez writes a song for his "muse"
Ito ang nilinaw ng aktres, matapos usisain ng ilang netizen sa Instagram kung kailan sila magkakaroon ng supling ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.
Nag-post kasi si Carla ng cute baby photo sa social media site at makikita na sunud-sunod ang tanong sa kanya patungkol sa baby plans niya.
Ayon kay Carla, mauuna muna silang magpakasal bago pa man nila maisipang magsimula ng kanilang pamilya.