
Mula sa “Pepito, my friend”ay agad naging “Carlos Yulo, my friend.”
Viral sa internet ang number one mangungutang sa buhay ni Pepito Manaloto (Michael V.) na si Tommy Diones na ginagampanan ng seasoned actor at director na si Ronnie Henares.
Mukhang aliw na aliw ang lahat sa post sa Facebook page ni Nathaniel Hitosis na may photo nina Carlos at Tommy.
Gumawa ng kasaysayan ang gymnast na si Carlos Yulo bilang kauna-unahang Pilipino na double-gold medalist sa Olympics.
Naghari si Carlos sa men's floor exercise event at men's vault finals sa Paris 2024 Olympics.
Dahil sa pagkapanalo, makakatanggap si Yulo ng PhP 10 million pesos na cash incentive na nakatakda sa Republic Act 10699 at may isa pang property company ang nangako na magbibigay ito ng P24 million two-bedroom residential condominium unit sa Pinoy na makakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics.
Samantala, may ulat din na bibigyan ng House of Representatives ng PhP 6 million si Carlos Yulo bilang reward sa tagumpay na ibinigay niya sa bansa.
Meet Carlos Yulo, the Philippines' two-time Olympic gold medalist
Dahil sa funny post sa page na Nathaniel Hitosis, mukha raw makakanahap na si Tommy ng bagong mauutangan bukod kay “Pepito, my friend” ayon sa mga netizen.
Source: Nathaniel Hitosis (FB) & ronniehenares (IG)
Matatandaan na si Gabby Eigenmann ang gumanap bilang younger version ni Tommy sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
RELATED GALLERY: ALL THE VIRAL MEMES OF TOMMY