
Sa nakaraang episode ng Tomorrow's Cantabile, binigyan ni Eugene (Joo Won) si Naeil (Shim Eun-kyung) ng mga bagay na kailangan nito sa pag-practice para sa sinalihan niyang kompetisyon.
Kasama naman ni Naeil sa kanyang piano rehearsals si Professor Henry (Lee Byung-joon), na natutuwa sa pag-improve ng dalaga sa pagtugtog ng naturang instrumento.
Samantala, muling bumalik si Juno (Park Bo-gum) sa paaralan matapos niyang magpagaling sa ospital dahil sa kondisyon ng kanyang isang kamay. Sa muling pag-uusap nina Naeil at Juno, natuwa ang binata na nag-aalala pa rin ang dalaga sa kanya.
Isang dress naman ang nakita ni Eugene sa store at binili niya iyon para kay Naeil upang masuot ng dalaga sa kanyang performance. Labis na natuwa si Naeil sa binigay na damit sa kanya ni Eugene.
Bago nagsimula ang performance ni Naeil, sinabi ni Professor Henry ang lahat ng kailangan niyang tandaan sa pagtugtog. Kabilang din si Eugene sa mga nanood ng piano performance ni Naeil.
Tuwang-tuwa naman si Professor Henry sa matagumpay na pagtugtog ni Naeil ng piano sa entablado.
Patuloy na panoorin ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa GTV.
Subaybayan ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Para sa iba pang updates tungkol sa Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV.