
Sa nakaraang episode ng Tomorrow's Cantabile, napangiti sa saya si Eugene (Joo Won) nang ibalita sa kanya ni Naeil (Shim Eun-Kyung) na siya ay nakapasa sa preliminary round ng kompetisyon.
Matapos ito, patuloy pa rin sa pag-eensayo si Naeil kasama si Professor Henry (Lee Byung-joon). Habang siya ay nagpa-practice, muling bumalik sa isipan ni Naeil ang pinagdaanan niya noon sa dati niyang naging guro sa piano.
Nanalo naman si Lance (Ko Kyoung-pyo) bilang soloist matapos magkaroon ng botohan ang Rising Star orchestra para sa kanilang nalalapit na performance.
Sa pagkikita nina Naeil at Juno, ni-reject ng dalaga ang binata matapos tanungin ng huli kung hindi siya pwede magkagusto sa kanya. Ibinalita naman ito ni Juno kay Eugene dahil wala siyang ibang tao na masabihan nito.
Bukod dito, sinabi rin ni Juno na plano niya ring mag-aral sa ibang bansa tulad ni Naeil. Nang marinig ito ni Eugene, muli niyang naalala ang pinagdaanan niyang trauma noon sa isang plane accident.
Tinanong naman ni Juno si Eugene kung pupunta rin ba ito abroad ngunit lumisan lamang ang binata.
Patuloy na panoorin ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa GTV.
Subaybayan ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Para sa iba pang updates tungkol sa Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV