
Sa nakaraang episode ng Tomorrow's Cantabile, napagdesisyunan ni Franz von Stresemann (Bae Yoon-sik) na i-disqualify si Eugene (Joo Won) at binawi ang titulo nito bilang associate conductor dahil lamang sa isang pagkakamali sa pag-conduct ng orchestra.
Nagbago naman ang isip ni Franz at sinabing maaaring manatili sa orchestra si Eugene kung papayag itong maging assistant niya. Pumayag naman ang binata na maging assistant ng world renowned conductor.
Ginawa ni Eugene ang lahat ng kanyang makakaya bilang assistant ni Franz. Tinulungan naman ni Eugene ang S Orchestra para mag-practice habang wala pa ang kanilang propesor.
Nang makita ni Franz na nakatayo ang kanyang assistant sa podium para mag-conduct, binawi niya ang posisyon ni Eugene bilang kanyang assistant. Dahil dito, hindi napigilan ni Naeil (Shim Eun Kyung) na magalit kay Franz dahil sa mga desisyon nito kay Eugene.
Kaya naman napagdesisyunan ni Franz na mag-withdraw sa kanyang posisyon bilang conductor ng S Orchestra at in-appoint si Eugene bilang kanilang bagong conductor.
Sa kabila ng malaking pagbabagong ito, ipinakita ng S Orchestra ang kanilang suporta para kay Eugene.
Huwag palampasin ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado, 12 noon, at Linggo sa oras na 4:30 p.m. sa GTV.
Balikan ang mga eksena sa Tomorrow's Cantabile rito.
Tomorrow's Cantabile: Eugene's disqualification
Tomorrow's Cantabile: Maestro resigns
Subaybayan ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Para sa iba pang updates tungkol sa Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV.