
Sa finale episode ng Tomorrow's Cantabile, nalaman ni Naeil (Shim Eun-kyung) na balak isama ni Franz Von Stresemann (Baek Yoon-sik) si Eugene (Joo Won) abroad para mag-aral.
Sa pag-uusap nina Naeil at Franz Von Stresemann, sinabi ng dalaga sa huli na isama nito si Eugene sa abroad kahit na umayaw pa ang binata rito.
Sinubukan naman i-kontak nina Eugene, Juno (Park Bo-gum), Lance, at ng iba pa nilang kaibigan si Naeil ngunit hindi nila malaman kung nasaan ang huli dahil hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone. Napag-alaman nila na umuwi si Naeil sa kanyang tahanan.
Sa pag-uusap nina Eugene at Professor Henry, sinabi ng huli sa binata na nakakuha ng recommendation si Naeil na sumali sa isang international competition. Ayon kay Professor Henry, kung maipapanalo ito ni Naeil, maaari siyang magkaroon ng scholarship abroad.
Nang makausap ni Eugene si Naeil, tinanong ng una ang dalaga kung susuko na ba ito sa pagtugtog ng piano, sa pag-aaral, at sa kanya, at umoo ang huli.
Tinulungan naman ni Juno si Eugene na makapunta kay Naeil kaya hinarap ng binata ang kanyang takot sa pagsakay ng eroplano para puntahan ang huli.
Magkasamang nagtungo sina Eugene at Naeil sa Salzburg para sa kompetisyon ng dalaga at isa sa mga judge nito ay ang ama ng una. Sa huli, nanalo si Naeil sa kompetisyon sa Salzburg at binigyan siya ng oportunidad na mag-aral abroad kasama si Eugene.
Subaybayan din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.