
Simula February 19, mapapanood na ang nakakakilig na Korean drama series na Tomorrow's Cantabile sa GTV.
Maghahatid ng kilig at good vibes tuwing hapon ang tambalan ng mahuhusay na Korean stars na sina award-winning actor Joo Won (Eugene) at Shim Eun-Kyung (Naeil).
Kabilang din sa stellar cast ng nasabing K-drama serye sina Park Bo-gum bilang Juno, Ko-Kyoung-pyo bilang Lance, Baek Yoon-sik bilang Franz, Lee Byung-joon bilang Henry, Namgung Yeon bilang Jackson, at Bae Min-jung bilang Shannon.
Ang istorya ng Tomorrow's Cantabile ay tungkol sa dalawang piano major students na sina Eugene at Naeil. Kilala si Eugene sa kanyang good looks at angking talento sa pagtugtog ng iba't ibang musical instrument, habang si Naeil naman ay isang simple at carefree na estudyante.
Lingid sa kaalaman ng marami na sa kabila ng personalidad ni Naeil ay isa siyang henyo pagdating sa musika.
Isang araw, nalasing si Eugene at nakatulog sa doorstep ng kanyang next-door neighbor na si Naeil at tinulungan siya ng dalaga.
Nang dahil sa aroganteng personalidad ni Eugene, siya ay malilipat kay Professor Jackson na guro rin ni Naeil. Nagkaroon naman ng ideya si Professor Jackson na magkaroon ng musical performance sina Eugene at Naeil kung kaya't kailangan nilang pakisamahan ang isa't isa.
Posible kayang mayroong mabuong pag-iibigan sa pagitan nina Eugene at Naeil? Anu-ano kaya ang madidiskubre nila tungkol sa isa't isa? Sabay-sabay nating abangan ang Tomorrow's Cantabile simula February 19 sa GTV.