
Sa nakaraang episode ng Tomorrow's Cantabile, patuloy si Naeil (Shim Eun-kyung) sa kanyang pag-eensayo para sa final round ng kompetisyon.
Hinatid naman ni Eugene (Joo Won) si Naeil sa dorm nito matapos makitang tapos na ang dalaga sa kanyang piano practice. Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Eugene kay Naeil na hindi nito kailangan manalo sa kompetisyon at dapat ay maging masaya lamang siya habang tumutugtog ng piano.
Bukod dito, nag-eensayo na rin ang Rising Star orchestra para sa kanilang musical performance.
Todo suporta naman ang ina ni Eugene kay Naeil sa pagsali nito sa kompetisyon. Bago nagsimula ang kompetisyon, muling nagharap sina Naeil at ang dati niyang guro.
Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ng dating guro ni Naeil na hindi niya inakala na nagpa-piano pa rin ang dalaga at sayang lamang ang pagpunta nito sa kompetisyon dahil hindi naman ito mananalo.
Mapapatunayan kaya ni Naeil sa kanyang dating guro na mali ito?
Subaybayan ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa GTV.
Abangan ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Para sa iba pang updates tungkol sa Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV.