
Sa nakaraang episode ng Tomorrow's Cantabile, ibinalita ni Naeil (Shim Eun-kyung) kay Eugene (Joo Won) na ang musikang kanyang gagawin para sa ikalawang round ng kompetisyon ay mula sa isang composer na pamilyar siya. Sinabi rin ni Naeil kay Eugene na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya sa performance.
Bukod kay Eugene ay present din sa audience si Juno (Park Bo-gum) para panoorin ang performance ni Naeil.
Nang magpakita si Naeil sa stage ay agad napansin ng ilang audience ang tila malungkot na emosyon ng dalaga bago pa man magsimula ang kanyang piano performance.
Napansin din ng mga manonood at judges ang masyadong mabilis na pagtugtog ni Naeil ng piano. Sa kabila nito, nakapasa sa ikalawang round ng kompetisyon si Naeil at sasalang siya sa final round.
Nagulat naman ang dating guro ni Naeil na nakapasa ang dalaga sa second round.
Samantala, nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili si Naeil matapos makapasa sa una at sa ikalawang rounds ng kompetisyon. Sinabi ni Professor Henry (Lee Byung-joon) kay Naeil na puwede itong maging confident pero huwag siyang magpapabaya.
Patuloy na panoorin ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa GTV.
Panoorin ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.