
Sa nakaraang episode ng Tomorrow's Cantabile, nagsimula nang magpagaling si Juno sa ospital dahil sumailalim na siya sa operasyon para sa kondisyon ng kanyang isang kamay.
Nagulat naman si Eugene nang malaman na nagtatrabaho pala si Naeil nang part-time sa coffee shop ng kanyang ina. Matapos ito, nagtungo sina Eugene at Naeil sa bahay ng huli, kung saan nakilala ng dalaga ang tiyo ng binata.
Inilahad naman ni Eugene kay Naeil ang trauma na naranasan niya noong kanyang kabataan. Ayon kay Eugene, siya ay nagkaroon ng trauma dahil sa isang plane accident at inihulog siya sa dagat suot ang life vest. Ito ang rason kung bakit hindi na siya makasakay ng eroplano o ng barko.
Samantala, kinausap ng dean si Eugene at sinabing nais ng media na makita siya bilang conductor ng Rising Star orchestra. Ayon pa sa dean, ito rin ay isang pagkakataon para makilala ang Rising Star bilang ang official orchestra ng Han Eum.
Labis ang tuwa ng Rising Star nang malaman nilang makikilala na ang kanilang grupo.
Ipinatigil naman ni Eugene ang meeting ng Rising Star dahil may hindi pagkakaunawaan ang ilang miyembro nito.
Patuloy na panoorin ang Tomorrow's Cantabile tuwing Sabado, 3:15 p.m., sa GTV.
Panoorin ang Tomorrow's Cantabile at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.