
Kahit abala sa paggawa ng artworks ay nababahala rin umano si Kapuso actor Tom Rodriguez para sa kaligtasan ng kanyang pamilya na nasa America, lalo na para sa kapatid niyang nurse at frontliner.
“They been at staying at home ever since na I, myself started quarantine in here. Sila rin for the most part. They tried to do that na.
“Except I have a sister na who's in the healthcare industry, she has to work kasi essential siya. My mom is with her, helping her taking care of my nephew kasi hindi niya mayakap.
"She has to really change clothes before she enters the house, sanitize,” ani Tom.
Ganito rin si Tom dito sa 'Pinas dahil siya ang nakatoka sa pagbili ng pagkain at iba pang essentials nila ng girlfriend niyang si Kapuso actress Carla Abellana.
Samantala, ibinahagi ni Tom na si Carla ang naging inspirasyon niya sa donation drive niyang “Guhit Pantawid” na para sa mga taong nawalan ng kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine.
Kapalit ng mga donasyon para sa mga daily wage earner ay drawings at sketches na si Tom mismo ang lumikha.
Espesyal umano ito kay Tom dahil first time niyang tumanggap ng commission artworks at maraming tao ang maaabot ng kanyang pagtulong.
Sa ngayon ay nakalikom na umano sila ng aabot sa P100,000.
Panoorin ang eksklusibong panayam ng 24 Oras kay Tom Rodriguez dito: