GMA Logo Ton-Ton Soriano, MC Muah
Source: tonsoriano (IG)
What's on TV

Ton-Ton Soriano, may paliwanag sa viral 'nagulat' video noong 2020

By Kristian Eric Javier
Published June 6, 2025 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Ton-Ton Soriano, MC Muah


Bakit nga ba nagkagulatan sina Ton-Ton Soriano at MC Muah sa isang video? Alamin dito.

Binigyang-linaw na ng komedyanteng si Ton-Ton Soriano ang tungkol sa viral video niya noong 2020 kung saan nagkagulatan sila ng kapwa comedian at host na si MC Muah.

Sa naturang video, makikita si Ton-Ton sa harap ng mikropono na kinakanta ang single ni Adele na “Someone Like You.” Ramdam niya ang pag-awit at nakapikit pa siya habang kumakanta. Makikita rin si MC na pumasok sa video at pagdilat ni Ton-Ton ay bigla na lang siyang napasigaw, dahilan para mahampas ng kapwa komedyante.

@ton_soriano

So sino ba talaga mas nagulat?? P.S. di po masakit ung hampas #

♬ original sound - Ton Soriano

Kasama si Iyah Mina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (June 5), kinuwento ni Ton-Ton na ni-request ng tita niya ang awitin na kinakanta niya sa video. Dahil magugulatin, sinara niya umano ang pinto ng kuwarto kung saan siya naroroon.

“E hindi ko po alam na papasok si Ate MC so pagpasok niya po, may naamoy ako, parang ang bango, e wala naman akong kasama sa kuwarto, Pagkakita ko po, may malaking nakakulay puti. E magugulatin ako, so nagulat ako sa kaniya,” kuwento ni Ton-Ton.

Ngunit bukod sa insidenteng nagkagulatan sila ni MC, ibinahagi rin ni Ton-Ton ang tungkol sa naging tampuhan nila dahil sa love life. Aniya, sa grupo nilang magkakaibigan, madalas ito ang nangingialam sa kanila.

Pagbabahagi ng komedyante, “'Yung past relationship ko, ayaw niya, so nag-jumpo po kaagad ako sa new relationship, ayaw niya rin kas,i 'Magpahinga ka naman. Pagpahingahin mo 'yung puso mo. Ano ba 'yung gusto mo?'”

Pagpapatuloy pa ni Ton-Ton, lalong nagalit ang kaniyang Ate MC dahil sinusuway niya ito pagdating sa buhay pag-ibig.

“Sumasagot po talaga ako. 'Di ba siyempre kapag [in love] ka, 'Gusto ko 'to e, bigyan natin siya ng chance. Kasi baka 'yung storya na 'to, iba du'n sa storya ng nakaraan,'” sabi niya.

Ngunit paglilinaw ni Ton-Ton ay okay na sila ngayon ni MC at sa katunayan, ito ang itinuturing niyang kapatid dahil pinoprotektahan siya nito.

“'Yung kapatid ko, nu'ng naghiwalay kami sa bahay, si Ate MC na 'yung naging kapatid ko. Though 'yung kapatid ko, pinoprotektahan pa rin ako, pero mas siya,” saad niya.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG A-LIST ACTRESSES AT COMEDIAN NA GRADUATE NG 'BUBBLE GANG' SA GALLERY NA ITO: