
May bagong life update si Toni Fowler.
Usap-usapan ngayon ang bagong content ng vlogger-actress na si Toni na mapapanood sa YouTube at iba pang social media platform.
Mapapanood sa video ang revelation ni Toni tungkol sa pagpapatanggal niya ng kaniyang breast implants sa plastic surgeon na si Dr. Eric Yapjuangco na kilala na rin bilang celebrity surgeon na si Doc Yappy.
Nasa mahigit 1 million views na ang bagong vlog niya na may title na "Life After Silicone.”
Ayon kay Toni, naging fantasy niya talaga noon ang maging small-chested.
“Buong buhay ko, hindi ko talaga na-experience ang maging flat. Palaging malaki… Kaya naging fantasy ko talaga 'yung maging flat... Ito 'yung silicone ko for 10 years, ang bigat. Sobrang tagal ko pinangarap na maging flat,” kuwento niya sa vlog.
Si Toni ay kilala bilang leader ng ToRo Family na kilala sa paggawa ng reality shows at vlogs. Kilala rin siya bilang isang dancer at mom of two kids na sina Tyronia at Tyrone.
Samantala, bukod kay Toni, ilang Pinoy celebrities na rin ang nag-undergo ng breast reduction surgery.
Related gallery: Pinoy celebrities who had breast reduction surgery