
Matagal nang magkakilala ang host-actress na si Toni Gonzaga at ang award-winning showbiz personality na si Alessandra de Rossi.
Guest ni Toni Gonzaga sina Alessandra at Empoy Marquez sa kanyang Toni Talks. Dito, ikinuwento niya na sumasama noon sa set ng flagship gag show na Bubble Gang si Alessandra kung saan co-star naman ni Toni ang eldest sister nito na si Assunta de Rossi.
Lahad ni Toni kay Empoy, “Hindi ko nakukuwento sa'yo si Alessandra, 14, 13 una ko siyang nakasama sa Bubble Gang, magkakilala kami.”
Sabat ni Alessandra, “Walang nagbabantay ng gamit niya si Catherine (Alex Gonzaga)."
May nakakatawang kuwento pa ang award-winning actress sa nickname na ibinigay niya kay Alessandra or Alex na 'Cataract.' Paliwanag niya sa Toni Talks, “Wala lang, mahilig lang ako sa nicknames.”
Sumunod na kuwento ni Toni, “Tapos, siya sumasama lang din siya kay Assunta noon sa Bubble Gang.”
Tanong bigla niya kay Alessandra: “Nag-a-artista ka na ba noon?”
Sagot naman ni Alessandra, “A little bit, yes. Pero [hindi pa full-time], gusto ko mag-aral. 'Tapos pagdating ko ng 14, 'mag-aral, ayaw ko 'to, mag-aartista ako' ganun.”
Bumida sa box-office romcom movie na Kita Kita noong 2017 sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.
RELATED CONTENT: TRIVIA: A-list actresses and comedians who graduated from 'Bubble Gang'