GMA Logo Tadhana: Senior Love
What's on TV

Tonton Gutierrez at Maui Taylor, bibida sa 'Tadhana: Senior Love'

By Bianca Geli
Published June 4, 2021 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dobol B TV Livestream: February 19, 2026
Libu-libong pamilya sa CamNorte na apektado ng masamang panahon, hinatiran ng tulong ng GMAKF
Faithful urged to practice 'digital media fasting'

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana: Senior Love


Tunay kaya ang pag-iibigan nina Mario (Tonton Gutierrez) at Kristine (Maui Anne Taylor)?

Sa pagbabalik-Pilipinas ng dating undocumented foreign worker na si Mario (Tonton Gutierrez), nakilala niya ang masahistang si Kristine (Maui Anne Taylor), na mas bata sa kanya ng higit tatlong dekada.

Sa alindog at karisma ni Kristine, muli ngang naranasan ni Mario ang umibig. Lingid sa kanyang kaalamanan, ang pag-ibig na ito, peke pala. Mismong ang anak pa ni Mario na si Rachelle (Meg Imperial) ang nakabuking sa lihim ni Kristine. Sinong mag-aakala na ang ipinakilalang kapatid na si Carlo (Joseph Bitangcol) ay asawa pala ni Kristine?

Ang masaklap, kahit harap-harapan na ang panloloko ni Kristine, hirap pa rin si Mario na harapin ang katotohanan! Hanggang kailan kaya niya panghahawakan ang relasyon niya kay Kristine na puno lamang ng ilusyon? Paano kung umabot sa puntong madawit sa kalokohan ang kanyang anak (James Teng)?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa part 2 ng Tadhana: Senior Love, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7.