GMA Logo tonton gutierrez
What's Hot

Tonton Gutierrez, ibinahagi ang qualities para magtagal sa showbiz

By Jansen Ramos
Published October 10, 2021 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Reported death toll in magnitude 7.8 Mindanao earthquake climbs to 61
CT-TODA, Nangandam na sa Posibleng Kahuot sa Trapiko Karong Lunes | Balitang Bisdak
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure

Article Inside Page


Showbiz News

tonton gutierrez


Tonton Gutierrez on his showbiz career: "This is my bread and butter for me, for my family. I'd like to stay as long as I can."

Noong '80s nagsimula ang acting career ni Tonton Gutierrez, na hanggang ngayon ay tinitingala pa rin sa showbiz.

Itinuturing siyang isa sa mga successful na artista sa bansa kaya naman patuloy ang pag-asenso ng kanyang career mapa-pelikula man o TV.

Ayon kay Tonton, wala naman daw sikreto para magtagumpay sa showbiz dahil nagsisimula ito sa tamang asal, kabilang na ang pakikitungo mo sa mga katrabaho.

"In my situation I just try to be as professional as I can. Andyan na pakikasama. I guess there's no secret behind it," wika niya sa press conference ng Daig Kayo Ng Lola Ko noong Biyernes, October 8.

Dugtong niya, "Kailangan sa industriya, kailangan mo lang galingan ginagawa mo, maging professional ka. Maging totoo ka sa mga taong kinakaharap mo.

"With all of those ingredients, [it will] help you sustain, be in this business for a long time."

Halos apat na dekada na si Tonton sa showbiz pero, aniya, hindi mawawala ang kanyang love for acting kaya magpapatuloy siya sa career na ito.

"This is my bread and butter for me, for my family. I'd like to stay as long as I can," sabi niya.

Mapapanood si Tonton sa award-winning children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko, kung saan bida sila ni Pokwang.

Tampok sila sa kuwentong "It's Not You, It's Me" na mapapanood sa Sunday Grande sa gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.