GMA Logo Tonton Gutierrez and family
Source: glydelmercado (IG)
What's Hot

Tonton Gutierrez, may bilin sa mga anak na sina Aneeza at Aneeka bago pumasok sa showbiz

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 4, 2022 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SPMC, nakatala og 30 ka pasyente tungod sa aksidente | One Mindanao
24 Oras Livestream: January 1, 2026
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Tonton Gutierrez and family


Sino kaya ang gustong role model ni Tonton para sa kaniyang mga anak?

Hindi na bago sa mundo ng showbiz ang mga anak ng celebrities na kadalasan ay sumusunod sa yapak ng kanilang magulang sa pag-aartista.

Para sa mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, walang problema kung pasukin ng kanilang mga anak na sina Aneeka at Aneeza ang showbiz pero sa isang kondisyon.

"Napag-usapan namin ni Glydel na mas gusto muna namin makatapos muna 'yung mga bata bago sila [mag-showbiz,]" kuwento ni Tonton na kasalukuyang napapanood sa GMA Public Affairs mystery-romance series na Love You Stranger.

Pagpapatuloy niya, "Sabi ko nga, 'Finish your school, finish college then after that you can do whatever you want to do. Bahala na kayo.'"

Gusto ni Tonton na maging role model nina Aneeza at Aneeka ang kanilang pinsang si Janine Gutierrez na nakapagtapos muna ng pag-aaral bago maging artista.

"Ang lagi kong sinasabi, gawin ninyong model si ate Janine Gutierrez. Si Janine kasi nagtapos ng college and then pumasok siya sa showbiz."

Kahit na may ganitong kondisyon sina Tonton at Glydel, pinayagan nilang i-try ng panganay na si Aneeza ang pag-arte. Parte si Aneeza ng pelikulang Jolly Spirit Squad na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso.

"'Yung eldest daughter ko, nakagawa na ng pelikula with the son of Mayor Isko, pero hindi pa ata pinapalabas.

"She only tried it. Pinayagan ng nanay, so wala na akong magawa kung hindi, sige po. Pumayag na rin ako."

Kuwento pa ni Tonton, hindi niya inaakalang si Aneeza ang gustong i-try ang showbiz dahil "introvert" ito.

"Sa totoo lang, 'yung daughter kong 'yun, napakatahimik. Ano siya, e, introvert.

"So I never expected that she would say yes to do a project. Parang out of nowhere, jaw-dropping nung sinabi sa akin ni Glydel na, 'O, si Aneeza gagawa ng pelikula, pumayag.'

"Sabi ko, 'Ano? Pumayag siya?' 'Oo, pumayag siya. Okay daw sa kaniya.'

"Ako 'yung parang, 'Oh? Talaga?" So parang nakakagulat but I guess she has it in her. Ipinakita sa akin ni Glydel 'yung outtakes, video nung mga eksena, and she has it.

"I guess may pinagmanahan. Nagmana sa nanay."

Kamakailan lang ay nagtapos ng senior high school si Aneeza sa Miriam College.

A post shared by Liza Gutierrez (@glydelmercado)

Mas kilalanin pa ang mga anak nina Tonton at Glydel sa gallery na ito: