
Ipinakilala na ang new breed of talents na magbibigay-good vibes tuwing Saturday morning sa musical-variety program na ToppStar TV.
Humarap ang 11 talented kids sa ilang bloggers at entertainment media ngayong Biyernes, September 27, sa isang restaurant sa Quezon City.
Ang bagong set ng ToppStar kids ay magpapamalas ng kanilang talento sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at pagho-host sa second season ng programa.
Ang ToppStar TV Season 2 ay mapapanood tuwing Sabado, 9:15 a.m., simula October 5 sa GMA.