GMA Logo jeric gonzales
What's Hot

Totoo bang may nililigawan ngayon si Jeric Gonzales?

By Aedrianne Acar
Published August 12, 2021 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cavs wipe out deficit, extend surge with win over Grizzlies
Davao City forms task force to address socioeconomic crisis
GMA Radio Stations Reinforce Dominance of Mega Manila Airwaves for March 2026

Article Inside Page


Showbiz News

jeric gonzales


Nagsalita na ang Kapuso hunk na si Jeric Gonzales kung in a relationship na siya ngayon.

Single and available. Ito ang matipid na sagot ng Kapuso hottie na si Jeric Gonzales tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Diretsahang sinagot ni Jeric ang tanong tungkol dito sa virtual conference ng Daig Kayo Ng Lola Ko noong Martes, August 10.

Kumpirma niya na single pa rin siya, pero open siyang makipagrelasyon kung may dumating na babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

Paliwanag ng 29-year-old actor, “Hahanapin pa [yang] pag-ibig, kasi wala pa.

“Pero, I'm very happy, single and happy.

"And ayun nga, 'yung dream ko naman is marami akong goals in life.

"Doon muna ako focus and with my family, so kung meron mang darating bakit hindi.”

Samantala, tuluy-tuloy naman ang blessing na dumarating sa Protégé graduate, matapos siyang maging endorser ng Bench Body.

Talagang pinag-usapan at pinagpiyestahan online ang second pictorial ni Jeric para sa underwear brand.

Aniya, “Sa totoo lang, nakakatulong siya sa akin 'yang Bench [underwear campaign].

“Nung lumabas yang second pictorial namin, which is naka-brief nga, ang dami talagang nag-react.

“Nagulat talaga sila kasi kelan ba 'yung last time ko, parang, last year pa, e,

"'Tapos ngayong ito, which is pinaghandaan ko talaga siya, during lockdown.

"Ilang buwan din ako nagprepare for that pictorial, so nung lumabas siya, happy ako and then 'yun nga may mga nag-react.”

Dahil sa endorsement na ito, mas maraming project pa raw ang dumating para sa Kapuso actor tulad ng isang indie film.

Pero ayon mismo kay Jeric na wala pang final decision tungkol sa pelikula ng award-winning TV and film director na si Louie Ignacio.

“Hopefully, matuloy po yan magawa and pumayag 'yung GMA, kasi indie film po 'yung gagawin namin and konti [details] lang po kasama ko, si Direk Louie Ignacio, kung matutuloy na ina-admire ko na director and maganda 'yung kuwento.

“Siya rin sumulat, so maganda-maganda 'yung naging meeting namin.

"Sana po talaga matuloy, kasi pangarap ko rin po yan.”

Mapapanood si Jeric sa kuwento na “Captain Barbie” sa children's fantasy show na Daig Kayo ng Lola Ko, kasama sina Barbie Forteza at Anjo Damiles, simula ngayong Linggo, August 15.

Check out the hottest photos of Kapuso leading man Jeric Gonzales in the gallery below.