GMA Logo harake family
Courtesy: Zeinab Harake
Celebrity Life

Touching moments ng Harake-Parks family, pinag-uusapan online

By EJ Chua
Published May 6, 2024 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

harake family


“You can feel the real love of the kids to Daddy Ray..."

Patuloy na usap-usapan sa social media ang pamilya ng vlogger-actress na si Zeinab Harake.

Sa latest vlog ni Zeinab, mapapanood ang muling pagkikita ng kanyang mga anak na sina Zebbiana at Lucas, at Bobby Ray Parks Jr., ang boyfriend ng una.

Kapansin-pansin na mula noong dumating ang basketball player na si Ray sa buhay ni Zeinab, itinuturing na niyang parang tunay na mga anak sina Zebbiana at Lucas.

Sa naturang vlog, naantig ang puso ng maraming netizens sa sweet moments ng pamilya ng vlogger.

Isa na rito ang makabagbag-damdaming pagkikita nina Ray at Zebbiana.

Sa video, binanggit ni Zeinab na gumawa ng paraan ang kanyang partner na makauwi ng Pilipinas para sa birthday celebration ni Zebbiana.

Hindi maikakaila na talaga namang napamahal na ang mga anak ni Zeinab kay Ray.

Sa comments section ng vlog, mababasa ang positive comments ng netizens tungkol sa kanilang mga nasaksihan.

Mapapansin na nagsisilbing inspirasyon ang #HarakeParks family sa napakaraming Filipino netizens.


Samantala, mayroon nang 14.1 million subscribers si Zeinab sa kanyang YouTube channel.