GMA Logo GMA Logo
What's Hot

Traditional drama na 'A Family Like Us,' abangan sa GMA-7

By EJ Chua
Published June 6, 2022 12:39 PM PHT
Updated June 6, 2022 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Spurs vs Warriors, Celtics vs Heat, and other games
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Logo


Panibagong family drama series na tungkol sa pagmamahal, pagkalinga at pagpapatawad ang bagong handog ng GMA para sa inyo mga Kapuso!

Inihahandog ng GMA Network ang panibagong drama series na magpapakita ng tunay na kahulugan ng pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya na tiyak na yayakapin ng bawat manonood.

Abangan ang 'A Family Like Us,' ang programang magtuturo ng ilang mga bagay tungkol sa realidad ng buhay.

Iikot ang kuwento nito sa isang “perfect family” na kalaunan ay magiging struggling family dahil sa mga hindi inaasahang sitwasyon at mga problema na kanilang pagdadaanan.

Sila ang pamilya Carbonel, ang ideal family, na binubuo ng mag-asawa na sina Bobby at Miriam, at ang kanilang dalawang anak na babae na sina Grace at Lyra.

Ilan sa dapat abangan ng mga Kapuso ay kung paano magsisimulang maging magulo ang buhay ng pamilya Carbonel. Kaabang-abang din ang mga matitindi at nakaaantig na mga eksena na magpapakita ng kung anu-ano ang kanilang mga gagawin, isasakripisyo, ililihim, isasantabi at iiwanan para lamang maprotektahan ang reputasyon ng kanilang pamilya.

Hindi rin dapat palampasin ang mga eksenang siguradong makaka-relate ang bawat Kapuso tungkol sa mga responsibilidad at usapang pag-ibig ng mga anak sa magulang gayundin ang mga anak sa kanilang mga magulang.

Sinu-sino kaya ang mga aktor na mapapanood sa 'A Family Like Us,' abangan!

Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na 'Start-Up Ph' na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: