
Kasalukuyang mayroong mahigit 1.8 million views sa Facebook ang trailer ng bagong episode ng Wish Ko Lang na pagbibidahan ng beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.
Tampok sa "Wish Ko Lang: Binalot Na Handa" ang kuwento ng misis na si Betty (Bianca) na napagbintangang nagpakain ng panis na handa.
Makakasama ni Bianca sa upcoming episode sina Nico Antonio (Ricardo), Tina Paner (Mercy), Zymic Jaranilla (Adrian), Via Antonio (Krizza), Cai Cortez (Nelie), Ida Pomajeros (Michelle), Seb Pajarillo (Mario), at Sandro Mulach (Rey).
Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, naghanda ng mga pagkain si Betty para sa kaarawan ng kanyang biyenan. Ginawa ito ni Betty dahil nais niyang makuha ang loob ng biyenan lalo pa't hindi siya gusto nito para sa asawang si Ricardo.
Habang hinihintay na dumating ang biyenan at ang kanyang asawa, hindi napansin ni Betty na nagbalot na ng pagkain ang mga bisitang sina Nelie, Krizza, at Michelle. Kaya naman wala nang naabutang handa ang biyenan nito. Isang araw bumalik ang tatlo at sinabing panis ang handang ipinakain ni Betty.
Huwag palampasin ang bagong episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, February 11, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG ILANG INSPIRING STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: