Pati si Megan Young na gumaganap sa iconic role na ito, excited na rin sa kanyang transformation.
By MICHELLE CALIGAN
Ngayong nagkaalaman na sina Marimar at Gustavo na sila ay mag-ama, nalalapit na ang pagbabago ni Marimar from a simple island girl to a sophisticated woman.
Pati si Megan Young na gumaganap sa iconic role na ito, excited na rin sa kanyang transformation.
"Actually [na-tape] na namin ang ilang eksena na may kasamang Bella, so it's really exciting. I'm really excited for people to see the transformation at kung paano maghihiganti si Marimar," kuwento ni Marimar kay Aubrey Carampel ng '24 Oras.'
Aniya, parang 'Miss World' ang datingan ni Marimar. "Although siyempre dito, she's out to get revenge against the people that did her wrong, justice actually. Of course, pagdating sa pamilya niya, siya pa rin 'yun. Pero to the others that did her wrong, talagang iba na siya."
Ano naman ang dapat abangan sa muli nilang pagkikita ni Sergio, played by Tom Rodriguez?
"Siyempre nasaktan si Marimar, so dapat ibalik ang ligawan."