What's Hot

WATCH: Gabbi Garcia, nilibot ang tourist spots sa Laguna

By Bea Rodriguez
Published May 8, 2018 4:16 PM PHT
Updated May 8, 2018 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



“Sa mga [taga] Laguna province, napakaganda ng probinsya ninyo. Ang yaman ninyo pagdating sa..." basahin ang pahayag ni Bakasyonistar  Gabbi Garcia tungkol sa Laguna.

 

 

Nag-a la vlogger si Kapuso Millennial It Girl Gabbi Garcia bilang ang ating Bakasyonistar. Nilibot ng Kapuso star ang tourist spots sa Rizal, Laguna tulad ng Tayak Hill, Nagcarlan Underground Cemetery, Bunga Falls at Yambo Lake.

Tila enjoy ang young actress sa kanyang trekking para maabot ang tuktok ng Tayak Hill, ang pagdiskubre ng kasaysayan ng Nagcarlan Underground Cemetery at ang kanyang picnic sa Bunga Falls at Yambo Lake.

“At the end of this Laguna trip, madami akong na-realize. I could say na Yambo Lake ang pinakapaborito ko kasi napaka-peaceful niya [at] napaka-natural niya,” kuwento ng aktres sa Balitanghali.

Natutunan din ng dalaga na hindi kailangan gumastos ng malaking pera upang mag-enjoy kasama ang inyong pamilya at mga kaibigan.

“Sa mga [taga] Laguna province, napakaganda ng probinsya ninyo. Ang yaman ninyo pagdating sa nature so alagaan ninyo. Thank you so much na [ibinahagi] n'yo sa akin ang ganda ng probinsya. ‘Till next time!” pagtatapos ng ating Bakasyonistar.

Video courtesy of GMA News