
Muling nakasama ni Willie Revillame ang kanyang mga dating nakatrabaho sa Wowowin sa kanyang maiksing bakasyon sa Palawan.
Nag-bonding sa Coron, Palawan si Kuya Wil kasama ang kanyang dating co-hosts na sina Ariella Arida at Kimchi o Janelle Tee sa totoong buhay. Kasama rin ng kanilang grupo si Adrian Gret, dating executive producer ng naturang Kapuso variety game show, na nagbahagi ng kanilang video sa malaparaisong isla.
Mapapanood ang kanilang pagtatampisaw sa beach at pagsa-sunbathing, pagsakay ni Kuya Wil sa kanyang jetski at kanilang pag-relax sa yate ng Wowowin host. Makikita rin sa video ang kakulitan ni Willie.
Panoorin: