What's Hot

Ken Chan at Rita Daniela, kinagiliwan online matapos ang kanilang 'Summer Squad Goals' TV special

By Cara Emmeline Garcia
Published May 20, 2019 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Tuluy-tuloy pa rin ang paghatid ng kilig at saya ng tambalang #BoBrey sa naganap na 'Summer Squad Goals' kahapon, May 19.

Tuluy-tuloy pa rin ang paghatid ng kilig at saya ng tambalang #BoBrey sa naganap na Summer Squad Goals kahapon, May 19.

Ken Chan & Rita Daniela
Ken Chan & Rita Daniela

Ang official hashtag ng GMA summer special na “#SummerSquadGoals,” nag-trending sa Twitter Philippines.

Pero sa tweets pa lang, halatang-halata na kinagigiliwan ng marami ang love team nina Ken Chan at Rita Daniela na sumabak sa kakaibang summer adventure kasama ang ibang joiners.

Ramdam na ramdam ng fans ang kilig habang pinapanood ang dalawa.

Dagdag pa ng isang fan, 'di raw siya makatulog dahil sa kaniyang napanood sa telebisyon.

Tampok din sa Twitter ang pagka-supportive ng dalawa sa kani-kaniyang Instagram accounts.

Naging usap-usapan din ang pag-recreate ng dalawa sa iconic Titanic pose.

Mapapanood muli sina Ken Chan at Rita Daniela para sa special screening ng My Special Love: #BoBreyInConcert ngayong Linggo, May 26.