
Sa unang pagkakataon, nag-post ang beauty queen na si Sandra Seifert ng larawan ng kanyang anak na si Corinth Ian kasama ang aktor na si Cesar Montano.
Sa kanyang Instagram post, nag-post ng tatlong larawan si Sandra, at una rito ay ang masayang paghalik sa pisngi ni Cesar sa five-year-old son ni Sandra.
Sa caption, maiksing isinulat ng dating Miss Earth beauty queen, "Love Actually [ blue heart and Christmas tree emojis] #fiveweeksbeforechristmas"
Tila naging kumpirmasyon ito sa bali-balita noon tungkol sa umano'y pagkakaroon niya ng anak kay Cesar.
Matatandaan na noog 2015 nang unang lumabas ang balitang ipinagbubuntis ni Sandra ang anak nila ni Cesar.
Nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa isyu.
Ayon naman sa kapatid ni Cesar na si Marimer Hamilton, "However, if the rumor is true, so be it.”
“Cesar is just a human being. Who is not a sinner in this world? The most important thing is if ever the rumors are true, the babies are his."
Tingnan ang ilang pang mga larawan ni Sandra kasama ang kanyang anak na si Coco sa gallery na ito: