
Dumayo sa isang resort sa Pandan, Antique ang Twenty-Five Twenty-One actor na si Choi Hyun-wook.
Noong November 5, ibinahagi ng Malumpati Cold Spring View ang ilan sa mga larawan nang naging pagbisita ng aktor sa kanilang resort kung saan makikitang nakasuot ito ng black sleeveless shirt.
Masaya ring nagpakuha ng litrato si Choi Hyun-wook sa Antiqueños at isa na rito si Shera Dela Cruz Ebon, na aniya, "Ang bait at gwapo niya sobra."
Sa hit Korean series na Twenty-Five Twenty-One, gumanap ang aktor bilang Moon Ji-woong, ang pinakasikat na estudyante ng kanilang eskwelahan.
Noong 2021, kinilala siya bilang Best New Actor sa SBS Drama Awards para sa natatanging pagganap sa series na Racket Boys at Taxi Driver.
KILALANIN ANG ILANG KOREAN STARS NA ITINUTURING NA PANGALAWANG TAHANAN ANG PILIPINAS DITO: