
Sa Kabisayaan, buhay na buhay pa rin ang paniniwala sa mga patay na diumano'y muling nabubuhay. Ang tawag sa kanila, Amaranhig.
Nagtungo ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa isang lugar sa Aklan para mag-imbestiga.
Ayon kay Allan Francisco, barangay secretary sa isang baryo sa Aklan, nagmula raw sa patay ang mga Amaranhig.
Aniya, “Ang mga patay raw na hindi na-embalsamo iyon daw po ang bumabangon at 'yung ang nagiging Amaranhig”
Panahon pa raw ng mga Kastila kumalat ang mga kuwento tungkol sa mga Amaranhig. Takot daw sa tubig ang mga Amaranhig, at mahilig paglaruan ang mga nabubuhay pa.
Ayon sa pananaliksik ng KMJS, ang mga kuwentong ito ay nagmula kay Harumay, ang diumano unang Amaranhig.
Panoorin ang buong storya ng Amaranhig sa "Gabi ng Lagim VI" episode ng KMJS.