Kasabay ng 65th Miss Universe competition, naging hot topic rin ang Kapuso remake ng Pinulot Ka Lang sa Lupa nang umere ang pilot episode nito sa GMA Afternoon Prime kaninang hapon (January 30) ng 4:15 p.m.
READ: GMA Network’s TV adaptation of ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ premieres on January 30
Nagpasalamat ang lead stars ng serye na sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso hunk Benjamin Alves sa pagsubaybay ng kanilang pinakaunang drama bilang magka-love team sa telebisyon.
#PinulotKaLangSaLupa top spot! Thank you for trending too. Much love ?
— Julie Anne San Jose (@MyJaps) January 30, 2017
Maraming salamat po sa inyo. Simula palang po yan, madami pa po kaming hinanda para sa inyo. To God be all the glory. #PinulotKaLangSaLupa
— Benjamin Alves (@benxalves) January 30, 2017
Maging ang director ng show na si Gina Alajar ay naglahad rin ng kanyang damdamin sa social media.
Salamat sa pagsama sa amin sa napaka-importanteng araw na ito!!! #PinulotKaLangSaLupa
— Gina Alajar (@ginalajar28) January 30, 2017
Kanina sa pilot episode, nagkakilala ang mga batang Santina at Ephraim sa kalsada nang iligtas ng binata ang dalaga mula sa nang-aapi sa kanya.
Samantala, nauwi naman sa trahediya ang pamilya nina Diony (Jean Garcia) at Cesar Esquivel (Victor Neri) kung saan namatay ang kanilang anak na babae dahil sa sunog na nanganib ng kanilang mga buhay.
Nangako ang leading lady na si Julie Anne na marami pang kailangan abangan kaya tutok lang sa Pinulot Ka Lang sa Lupa mula Lunes hanggang Biyernes ng 4:15 p.m.
Bitin? Abangan ang susunod na mga magaganap. Thank you for watching #PinulotKaLangSaLupa 's pilot episode! ????
— Julie Anne San Jose (@MyJaps) January 30, 2017
MORE ON PINULOT KA LANG SA LUPA:
IN PHOTOS: Ang cast ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’
IN PHOTOS: Press conference ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’