What's Hot

Tricia Cabais, malaki ang pasasalamat kay Direk Neal del Rosario

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

47-anyos na lalaki, handang humalili sa 65-anyos na si Ruben Enaje bilang ‘Kristo’ ng San Pedro Cutud
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi raw sa mga binabasa niyang libro kundi kay Director Neal del Rosario nakakakuha si Tricia ng instructions sa pag-arte. 
By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Nang bumisita ang GMANetwork.com sa set ng My Mother's Secret, naabutan namin si Tricia Cabais na katatapos lang sa take ng isang mabigat na eksena.
 
Kuwento ng young Kapuso actress, madalas daw siyang magbasa sa set habang naghihintay ng susunod niyang eksena.
 
"'Yung kay Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven. Favorite book ko po 'yun! 'Tsaka The Little Prince," sagot ni Tricia nang tanungin kung anong mga libro naman ang dinadala niya sa taping.
 
Nakakakuha ba siya sa mga librong ito ng mga paghuhugutan para sa kanyang mga eksena?
 
WATCH: My Mother's Secret, ang huling dalawang linggo 
 
"Ibang iba po kasi 'yung characters doon sa binabasa kong book eh! Siyempre po, dito si Heidi medyo iba iba po 'yung [mood] niya. Minsan po mabait siya, minsan medyo sinusumpong po. Sa akin po, parang wala namang pong koneksyon 'yung mga binabasa kong books," ayon dito. 
 
Hindi raw dahil sa mga libro kundi kay Director Neal del Rosario siya nakakakuha ng magaling na instructions para sa kanyang pag-arte. 
 
"Bibigyan nila 'ko ng mga lines na hindi ko po sinasabi pero nasa mind ko po para 'yung emotion na naibibigay ko, angkop po doon sa talagang nangyayari. Sobrang laking tulong po sa 'kin nina Direk at lahat po ng bumubuo ng My Mother's Secret," wika ni Tricia. 
 
Panoorin si Tricia sa nalalapit na pagtatapos ng My Mother's Secret, Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras