
Kasunod ng nakakagulat na engagement ni LJ Reyes sa kanyang non-showbiz partner, sari-saring reaksiyon at hugot ang lumabas sa social media.
Kabilang sa mga napahugot ang ex-partner ng aktor na si Carlo Aquino na si Trina Candaza.
Ini-reshare ni Trina sa kaniyang Instagram story ang isa sa mga litrato ng engagement ni LJ kay Philip Evangelista, kung saan mababasa rito ang text na, “One day, this pain will be my testimony.”
Kamakailan lang, muling nagkita sina Trina at Carlo para sa Moving Up Day ng kanilang anak na si Enola Mithi.
Sa isang panayam, ibinahagi ng celebrity vlogger kung ano ang naramdaman niya nang makita ang kanyang ex-boyfriend.
Ayon sa kanya, “Mas magaan na, hindi na mabigat. Maybe I'm starting to forgive and heal for real.”
"Wala pa, but I know dadating din siya. I want to start a relationship na maganda yung simula, 'yung walang magiging problema and ready kami ni Mithi," sabi pa ni Trina.
Matatandaang naghiwalay sina Trina at Carlo noong 2021 at kinumpirma naman ito ni Trina noong Enero 2022.
Bagama't hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama, nangibabaw pa rin ang pagmamahal nila para sa kanilang anak.
SILIPIN ANG CUTEST PHOTOS NG ANAK NINA TRINA CANDAZA AT CARLO AQUINO NA SI ENOLA MITHI SA GALLERY SA IBABA: