What's on TV

'Trip,' susunod sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 8, 2020 1:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

39 ‘fixers’ nabbed in LTO op around Metro Manila
LGU offices in Lambunao, Iloilo ransacked; cash, laptops stolen
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang kakaibang kaligayahan mo? Ito ang makulay na kuwentong sunod na tampok sa 'Karelasyon.'

Pagdating sa relasyon, kailangan mapanatili na laging may excitement, para mas tumagal ang tamis ng samahan ng mag-partner.


At kailangan tandaan na ang bawa’t indibidwal ay may kanya-kanyang trip kung paano sila napapasaya at nakapagbibigay ng ligaya.

Ang mag-pinasang sina Zoie (Katrina Halili) at Berry (Jade Lopez), hilig ang pakikipag-flirt sa mga lalaki. Nag-e-enjoy sila sa atenyong nakukuha nila mula sa opposite sex kahit hindi naman nila ito sineseryoso.

Nang makilala nila ang escort na si Mimi (Francine Prieto), mas natutunan pa nila kung paano maging mas kaakit-aakit sa mga boys kagaya ni Luke (Troy Montero), ang gwapo’t misteryosong yoga instructor na sabay nilang aakitin at kilalanin at pagmumulan ng kanilang matinding kompetisyon at away.  

Sino kaya kina Zoei at Berry ang magtatagumpay kay Luke? At ano ang kanilang gagawin kapag nalaman na nila ang nakaka-shock na sikreto ni Luke? Na ibubulgar sa kanila ng ex-girlfriend nitong si Piper (Isabel Granada)? 
 
Ito ang makulay na kuwentong sunod na tampok sa Karelasyon.

Sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Rember Gelera, samahang muli si Ms, Carla Abellana sa ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Eat Bulaga.