GMA Logo Movies on GTV
What's on TV

'Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies,' tampok sa GTV ngayong weekend

Published September 10, 2021 8:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Movies on GTV


Kabilang ang comedy film na 'Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies' sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Laugh trip na naman this weekend kasama ang mga pelikulang hatid ng GTV.

Isa na rito ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies tampok ang beloved lolas mula sa phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Isasama ng mga lolang sina Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo), at Tidora (Paolo Ballesteros) ang kanilang apong si Charmaine (Caprice Cayetano) sa isang beach trip.

Habang nagpapahinga sila sa isang gas station, bubulugain sila ng mga zombie!

Sakay ng bus, maka-survive kaya ang mga lola at ang kanilang apo sa zombie infestation?

Abangan ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies sa Saturday Cinema Hits, September 11, 7:55 pm.

Para naman sa action movie fans, tunghayan ang Kung Patawarin Ka ng Bala Ko, ni Edu Manzano, 2:00 pm sa Afternoon Movie Break.

Sa September 12 naman, abangan ang Magkaibigan ni Christopher de Leon sa Sine Date Weekends, 12:00 pm.

Susundan ito ng Masahol Pa sa Hayop, starring Philip Salvador, 1:45 pm at Rodel Sta. Cruz: Halang ang Bituka starring Ian Veneracion, 3:45 pm sa Afternoon Movie Break.

Huwag din palampasin ang direct-to-video disaster film na Volcano, 8:30 pm sa The Big Picture.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.