
Laugh trip na naman this weekend kasama ang mga pelikulang hatid ng digital channel na I Heart Movies.
Isa na rito ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies, tampok ang beloved lolas mula sa phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga.
Isasama ng mga lolang sina Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo), at Tidora (Paolo Ballesteros) ang kanilang apong si Charmaine (Caprice Cayetano) sa isang beach trip.
Habang nagpapahinga sila sa isang gas station, bubulugain sila ng mga zombie!
Sakay ng bus, maka-survive kaya ang mga lola at ang kanilang apo sa zombie infestation?
Abangan ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies sa Pinoy Movie Date, June 7, 8:00 p.m.
Para naman sa action movie fans, panoorin ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, isang biopic tungkol sa isa sa mga pinaka notorious na gangsters ng Maynila.
Kabilang sa star-studded cast nito sina ER Ejercito, Carla Abellana, Phillip Salvador, John Regala, Ronnie Lazaro, Baron Geisler, Joko Diaz at marami pang iba.
Huwag palampasin ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Pinoy Movie Date, June 9, 8:00 p.m.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.