
Sa episode 64 ng Stairway To Heaven, naging matagumpay ang eye transplant operation ni Jodi (Rhian Ramos) matapos i-donate ni Tristan (TJ Trinidad) ang kanyang corneas sa dalaga.
Sa pagbalik ng paningin ni Jodi, isang masamang balita ang kanyang natanggap--ang pagkamatay ng kanyang amang si Jovan (Jestoni Alarcon).
Labis na nalungkot si Jodi sa sinapit ng ama kaya lubos niyang minahal ang nag-iisa niyang pamilya, si Cholo. Minabuti na rin ng dalawa na magpakasal na bago pa man bawian ng buhay ang dalaga.
Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.
Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Huling linggo na ng hit 2009 drama series kaya subaybayan ito hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang Prima Donnas sa Lunes, August 17.